Ano ang?
Bahag.....
Microdot Sleeve: The bahag or loin cloth of the Mountain Province is an exquisitely hand-loomed piece of long cloth that is wrapped around the man's middle. Much of the modern bahags have found their way to the low land as table runners, serviettes, and other decor and fashion accoutrements.
Eh ang?
Bahag ang buntot.....
Noong nakaraang Lunes, namuti ang mata ko sa pag-hihintay sa magaganap na debate. Kasi naman hindi dumating ang makakalaban ni Bro. Eli na samahang a cappella o minus one(Church of Christ 33AD New Testament) na ayaw ng organ o mga musical instruments. 7:30am ng dumating kami sa Parian, Calamba, Laguna kung saan gaganapin sana ang pinakahihintay kong debate. Ang daming dumating na bisita at mga kapatid. Punong-puno ang venue. First time ko sanang makakapanood ng live na debate. Excited pa naman akong makita kung paanong mapahiya ang mga asong matatakaw na sinasabi ng biblia:
"Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila’y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila’y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa’t isa’y sa kaniyang pakinabang."-Isaias 56:11
10:00am ang napagkasunduang oras, sinundo na nga ng kapatid na manggagawa ang makaka-debate subalit wala daw ito sa kanila, nasa maynila daw. Hanep sa palusot ang bahag na buntot ni blackie. Wahehehe! Anyway, hindi man natuloy ang debate dahil sa mga asong urong, nagkaroon naman ng consultation para sa mga kapatid at mga bisitang nagsidalo. Ang saya namin dahil naka-daupang palad namin si Bro. Eli. Umuwi kaming masaya bagaman hindi kami sinipot ng mga asong bahag ang buntot, pinatunayan na namang muli ng Dios sa Kanyang Bayan ang Kanyang salita:
"At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man."-Joel 2:26
BUS-ina.....
Kaninang umaga bago pa pumutok ang araw, sumakay ako sa libreng sakay bus papuntang Quezon City, may aasikasuhin kasi akong importanteng bagay. Ang lamig ng aircon ng bus at may libreng kape at bible pa. Courtesy of UNTV37, kaunaunahan ito sa buong mundo na free ride (with coffee) from Monumento to Baclaran (along Edsa/vice versa). Mula sa aking kinauupuan, pinanood ko ang programa ni Kuya na Good Morning Kuya, ang show na walang rehearsal hindi gaya ng ibang morning shows, parang face powder, puro palamuti. Sa show ni Kuya, spontaneous lahat, parang nasa kanto ka lang at nakikipagkwentuhan tungkol sa ano ba ang balita? Ang galing! Ang Show ni Kuya natural na natural, hindi gaya ng iba, parang ingat na ingat sa sasabihin nila, halata tuloy na may binabasa. Sa aking pagbaba, isang plano ang naisa-diwa, muling maglakbay kasama ng libreng sakay.
Friday, August 10, 2007
<< Back