Melon amoy.....
Hmmmm!!!
Malakas ba ang pang-amoy mo?
Noong bata pa ako, kapag nagbabakasyon kami sa probinsya, may isang amoy na pamilyar sa akin.....
Amoy pinipig.
Minsang hindi ako nagbisikleta, naipit ang sinasakyan kong jeep sa trapik. May ginagawa palang tulay sa di kalayuan.
Tulay na matagal ng sira ngunit ngayon lang ginagawa.
Muli, ginamit ko ang aking pang-amoy ngunit hindi sa pamamagitan ng ilong kundi sa pamamagitan ng mata at tenga. Malabo ba?
Amoy ng papalapit na Election:
1. Maraming give-aways.
2. Tambak ang tinatahing basketball uniforms (lalo kapag tumapat ito ng summer, tulad ngayon.)
3. Tambak din ang ginagawang basketball tropies.
4. Maraming bola (may tumatalbog, may pumapasok sa tenga.) Karamihan ng mga kanto at kalsada may entablado, maraming palabas na puno ng tao.
5. Tulay na matagal ng sira, ngayon lang ginagawa.
6. Matinong kalsada, biglang nasisira.
7. Gawa dito, gawa doon, bangketa etc. at marami pang iba.
8. Maraming nagkalat na papel (papel ng pulitiko at papel na ginagamit ng pulitiko gaya ng poster.)
9. Maraming palabas na "LIVE" (hostage taking/rescue, etc.)
10. Maraming ambush (interview/at ng naka-motorsiklo.)
11. Maraming nagba-buy and sell (ng boto para sa darating na Mayo.)
12. Ibat-ibang gimik magmula sa isang tugtugin hanggang sa sayawin. Magmula sa sinasabit (na poster maging sa anomalya,) hanggang sa dinidikit at nakikidikit (tiyuhin niya si ganito at si ganoon.)
13. Kung napapanis lang ang kamay gaya ng laway, marami ng napanis na kamay, sa kakakamay.
Hmmmm!!!
ang mga sahog ng luto sa Election, mga sangkap na pinaghalo-halo ng tagapagluto (pulitiko at mga galamay nito) sa kaldero na kung tawagin ay plataporma na bago pa man isalang sa apoy ng nasusunog nilang pera, naaamoy mo na.
Malakas ba ang pang-amoy mo?
<< Back