
Sa wakas nakarating na ako sa Hollywood at Directorial debut ko ngayon. Pagdating ko dun kaninang 4:00am, napansin ko kaagad ang maraming tao, at ang una kong hinanap ay si Da Boy dahil alam ko may eksena siyang gagawin kung saan sasalubungin niya ang isang Celebrity at may iaabot ito sa kanyang susi. Nasilaw ako sa karamihan ng ilaw. Maraming Celebrity akong nakita. May ini-interview, may kinukunan ng eksena, may nakikipag-kwentuhan, mayroon naman may kausap sa celfon, kung sino-sino ang nakita ko. Of course dahil Director na ako ngayon sa Hollywood, marami ang humihingi ng aking opinyon. Ang unang eksenang dinerek ko ay sa harap ng Universal Studio kung saan may darating na bisita at ipa-park niya ang kanyang sasakyan sa di kalayuan. "Direk, okey na po ba?", ang isa sa madalas na mamutawi sa bibig ng mga artistang nakatrabaho ko kaninang umaga. Minsan naaalala ko kung paanong noong araw sa TV ko lang nakikita ang mga artista, pero ngayon, nakakaharap ko na sila mismo. Bukas kaya, sinong artista na naman kaya ang hihingi ng opinyon ko? Baka sa mga darating na mga araw, isang pulitiko naman ang magpa-direk sa akin. Sa lugar kung saan maraming nakakasilaw na ilaw. Sa lugar ng mga Celebrity na kung tawagin ay Hollywood.



<< Back