G.S.M.
Natatandaan ko noon, kapag naka-STARTAK ka, sikat ka na, flip phone yun na ang display ay parang yun sa selected Jollibee outlets na may running display behind the counter na sinasabing mabuhay or welcome, etc. Karamihang mayroong ganong phone ang mga artista. Tapos hanggang sa lumabas na mga ibat-ibang klase ng Cellphone, may Nokia, Philips, Mitsubishi, etc. Pero bago pa yon ay may analog phone pa, along avenida nabibili iyon sometime in the late 90's, kapag bumili ka ng ganun na karaniwan ay cloned phones, aakyat yun nagbebenta sa mataas na building dala ang phone na nabili mo, may ikakabit na aparatus sa analog phone mo para humanap ng number o signal, kapag naka-scan ng number, yun na ang number mo which is cloned, may kapareho ka ng number, magagamit mo na ang analog phone mo, at dahil may kagaya kang number, hindi ka matatawagan, ikaw lang ang makakatawag at magrereflect ang bayad nun sa bill ng original na may ari ng number. Anyway, ganun dati. Natatandaan ko nga, nakabili pa ako ng Bosch sa Recto, of course G.S.M. ang nabili ko or galing sa magnanakaw, may free pa na Bert (Sesame's Street) character sa antenna. Yun nga ang nagpamahal ng presyo nun nabili ko eh, si Bert, wahehehe! Then lumabas ang 3210, nakabili ako but after a year, nakipag-swap ako ng 5110 with syempre additional 1.5K yun may ari ng 5110. Minsan, naglalakad ako pauwi, nagtetext ako, sa Bulacan pa ako nakatira nun, may tatlong magkaka-angkas sa motorsiklo, hinablot yun 5110 ko, hindi nila nakuha, puro mura pa inabot ko, wahehehe! Kung ng time na yon may N45 na gaya ng picture sa ibaba, wala ng manghahablot ng Cellphone takot na lang nila. Wahehehe! Naalala ko si Bhab, sana magkaroon siya ng N45, madalas kasi siyang mawalan ng Cellphone.