
Minsan ito ay lagayan ng asukal, gatas, kape, chocolate drink, candies, etc. Madaming pwedeng pag-gamitan ang isang garapon. Pero ito rin ang naging bansag sa dati kong nakasama sa buhay. Siya rin ang minsan ko ng isinulat dito na naniniwalang narito daw mismo sa lupa ang impierno. Garapon ang naging bansag sa kanya dahil noong araw daw, mahilig siyang kumuha ng skyflakes na nasa garapon sa kanilang school canteen. Kaya naman mula noon hanggang ngayon, iyon na ang naging bansag sa kanya. Hindi ko siya isinusulat ngayon upang hiyain kundi upang buksan ang mga nagdaang bagay sa nakaraang buhay. Kagabi, may napanood ako sa TV about shoplifters, naalala ko tuloy ang kanta ng The Smiths na "Shoplifters of The World Unite" at naalala ko rin kung paanong noong araw, ako rin ay nagsho-shoplift. Delata, kadena ng aso, lapis, pantasa, etc. Mabuti na lang hindi ko naging hanapbuhay ang gayon, katuwaan lang ba kasama ang mga dating kaibigan. Naalala ko ng kunin ko ang kadena ng aso kasama si barney na mahilig sa corned beef, tawa ng tawa mga kaibigan ko noon. Kapag naaalala ko ang napanood ko kagabi, naaalala ko ang maraming bagay sa nakaraan. Sabi nga nila, nakaka-excite ang may challenge, parang computer game, pero di naman computer game ang buhay shoplifter, labas pasok ka lang sa kulungan, pabalik-balik sa pagdukwang at pagsilid at pag-ipit. Sa napanood ko kagabi, tine-test pa kung gaano kalaking bagay ang pwedeng ipitin sa hita, maitago lang ang kinuha, ang ikinabubuhay nila.



<< Back