The Smashing Pumpkins Collage Smashing Pumpkins.Com
The Smashing Pumpkins HeartDisarm you with a smile and cut you like you want me to cut that little child inside of me and such a part of you.The Smashing Pumpkins HeartDisarm you with a smile and leave you like they left me here to wither in denial the bitterness of one who's left alone.The Smashing Pumpkins Heart

Monday, January 07, 2008



The Smashing PumpkinsThe Smashing PumpkinsThe Smashing PumpkinsThe Smashing PumpkinsThe Smashing Pumpkins

Pumpkin Whatever it is that you will see or hear or read from all the things presented in this site which does not conform with your principles in life or your personal beliefs even with your musical understanding, has nothing to do with the integrity of my spiritual direction. I'm just visiting the old days and I thought that maybe, you too were part of the musical beauty and wonders of the past, and that somehow from all of this, we'll find each other and connect the string which were once cut and partly forgotten because of all the years that passed and hoping you'll try to relate with the music and stuffs written here and in a way help you in remembering some old friends, families, faded loves, people, places and events. Enjoy your stay! Pumpkin

Crossword Puzzle

Ang tagal kong hindi nakapagsulat. 132 days ang lumipas. Maraming nangyari. Madaming pinalampas. Mga sasakyan at kaganapang dumaan sa isipan. Sobrang busy. Walang masisi. Gusto ko kasi. Kaya heto, parang palaisipan o crossword puzzle ang aking titulo. Para sa iyo ito. Sana magustuhan mo. Hindi ko lang alam kung saan at paano magsisimula, pero heto, ang kahapong kasabay ng dahon, tinatangay ng hangin at ng iyong tingin.

Number of Dates

Kahapon.....

microdot sleeve: Mga bagay na sininop ng aking kaisipan sa loob ng tahanan. Mga pangyayaring dumaan na aking sinitsitan upang malaman ang laman ng lansangan. Mga bagay na lumabas sa telebisyon sa buong maghapon. Mga bagay na lumipas sa bawat pahina ng peryodikong nabasa. Mga bagay na pumasok sa mikropono at narinig sa radyo. Tinipong lahat habang may bulutong at makating balat.

Chicken Pox Toon

Chicken Facts (este Pox).....

Isang madaling araw, nagising akong ginaw na ginaw. Parang biglaang lagnat na nawala rin kaagad. Tanghaling tapat, naramdaman kong ako'y parang may sinat. Akala ko ng una ay kung ano lang, may tumubo na medyo makati, maliit na butlig na parang nagtutubig. Hinayaan ko lang. May nagbigay ng pagkain. Kanin at masarap na fried chicken. Tapos hayun, dumami at dumami at dumami pa ang butlig hangang buong katawan ko na ang tubuan. Naalala ko, hindi pa pala ako binubulutong mula pa noong bata ako. Mabuti na lang lumabas. Sabi kasi nila, kung hindi lalabas, baka sa mga internal organs tumubo, mas delikado daw, nakamamatay. Isang kasama na ang nagkwento, asawa niya raw ay bulutong na hindi lumabas ang ikinamatay. Sa pagkakaroon ko ng bulutong, ang dami ko tuloy napanood sa TV. Nabasa sa dyaryo, natutunan sa magazine, libro, at ang best-seller sa lahat na madalas dala ng mga paimbabaw at nanghihingi ng pera sa bus, sa palengke, sa kanto, at kung saan-saan pa. Alam mo iyon. May dalang supot iyon.

Likod BahayAng Lihim sa Likod Bahay.....

May napanood ako sa TV minsan tungkol sa isang papag at kadena sa likod bahay. Naalala ko noong araw, sa Malabon pa kami nakatira. May kapit-bahay kami sa likod bahay na may sakit. May deprensya sa pag-iisip. Kapag naaalala ko iyon, hindi ko maiwasan ang hindi malungkot. Kapatid iyon ng classmate ko sa elementary. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa kanya pero yun classmate ko, patay na. Kawawa naman ang mga taong gayon. Kung minsan, itinatago na lamang sila sa likod bahay. May napanood pa ako, pinapalo ng walis ng mismong anak o apo. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga ganun. Sa aking pagbibisikleta minsan, nakakakita ako sa daan ng mga ganung tao, ang tanging kaibigan ay ang dumi ng lansangang kumapit na sa kanilang katawan pati na ang kanilang daliri, nagbibilang kahit walang binibilang. Tapos may makikita ka sa daan, mayaman na ang binibilang ay pera, nakasakay sa magarang sasakyan, at alahas ang nakakapit sa katawan. Nakakalungkot isipin.

Violin Player

Acupuncture.....
Music Tech:
Violin - Alam mo bang may Acupuncture sa violin. Ginagawa iyon sa pamamagitan ng pagpukpok ng matulis na bagay sa body ng violin. Halos hindi iyon mahahalata kasi dot lang iyon na maliit. Sa ganung paraan, kapag pinatugtog na ang violin, ang sound na nagtratravel sa body nito ay kakalat pagdaan sa dot. Kaya kung ang violin ay parang wala sa tono o parang mababa ang tono, nagagamot ito sa pamamagitan ng Violin Acupuncture. Galing ng music noh?

Iron Gate

Tao po.....

Isang katotohanan tungkol sa rabies, ilang linggo lang ay mamamatay na ang biktima. Last year, may kababata ako namatay dahil dito. Nakagat siya ng alaga niya mismong aso. Napanood ko sa TV, kung saan last stage ng rabies ang pinakita, binasag ng biktima yun bintana ng kwartong kinalalagyan niya sa isang ospital, ilang oras bago siya mamatay. Nakagat din ako ng aso noong bata pa ako. Hindi ko makakalimutan iyon. Kahit ang pangalan nun aso, tanda ko pa rin, Quatang. Aso ng kapitbahay namin. Kelan lang galing ako sa Tita ko na may alagang aso, may sticker sa gate nila, "PITBULL" ang sbi ng sticker, wala naman pala silang ganoong aso, panakot lang kasi minsan ng nakakagat ng naniningil ng bayad sa kuryente yun aso nila. Mainit sa katawan ang aso, Noong araw kasi, ito pinupulutan namin. Ang one year sa atin, 7 years sa aso. Kaya kapag 3 years na ang aso, fully grown adult na ito. Nagkalat ang aso sa dyaryo. May swaping corner para sa aso, may for sale. Pero madami akong alam na aso na nagkalat kung saan-saan. Sila'y matatakaw at walang kabusugan. Nagsasalita ang mga iyon gamit ang pulpito. Baka nga sakmal nila ngayon ang leeg at bulsa mo eh.

Warhound MBT


Coup d'etat.....

Marami ng pinag-gagamitan ang Zip Tie ngayon, bukod sa pang-secure sa mga dangling cables o organizer ng mga kawad ng kuryente, pwede na rin itong ipang-posas lalo na sa mga media men. Ganito ang eksena sa Manila Peninsula ng mag-walkout at maglakad mula Makati RTC hanggang Pen sina Trillanes at Lim. Coup d'etat daw iyon. Sabi nga ng isang comedy show, "Nalaman na natin na malapit lang lakarin mula Makati RTC hanggang Manila Peninsula Hotel. Nalaman din natin na kasya pala sa pinto ng Manila Pen ang isang tangke de gyera." Nagsawa ng mga tao sa Pipol Power niyo. Kahit ano pa, pareho lang, ang ipinipilit i-upo, corrupt din. Mag-intay na lang ng 2010.

PooPasipsip.....

Isang tanghali, narinig ko sa radyo na mayroong sumabog sa isang mall sa Makati. Ang daming patay at sugatan. Sabi nga ng mga kasama kong Navy sa barko nito lang sabado habang binabaybay namin ang NLEX papuntang Alpha, "Safe kayo rito, may security personnel. Delikado na ang panahon ngayon, kahit tae sumasabog na, may mas malakas na sa C4 ngayon, CR. Oo nga noh? noong araw nababasa ko lang sa mga nobela ni Stephen King kung paanong iyong isang character sinisindihan ang kanyang puwet kapag umu-utot, eh kasi nga methane gas iyon natural mag-aapoy iyon. Ngayon in reality, talaga palang sumasabog iyon. Naalala ko tuloy iyong mga Septic Truck, yun mga sumisipsip sa ating mga pozzo negro, kung paanong nahuli silang kung saan-saan lang nila itinatapon ang mga nakokolekta nilang dumi ng tao. Mabuti at naipasara na at hindi na "Lumaban" yun isang kumpanya ng ganun na gayon ang ginagawa.

EMI Lyric Game

Ang dami kong na-download na games. Gaya ng Brain Challenge, Snooker, Tour de France, at EMI Lyric game na huhulaan mo kung ano ang sagot sa mga tanong, kung anong kanta ang lyrics na ipapakita syo, sino kumanta, title ng kanta, etc. 11 na games ang laman ng celfone ko. Tama lang na panglibang kapag may iniintay o kaya kapag nag-iisip ng bagay pang motivate sa pagsusulat o kaya'y walang magawa.

KeypadMga pinindot-pindot:

A-B-C, D-E-F, G-H-I, J-K-L, M-N-O, P-Q-R-S, T-U-V, W-X-Y-Z, 0-1-2-3-4-5-6-7-8-9,

Mga pinindot-pindot pa rin (sa celfone).....

Si Bhab, Shadow, Liza, Alexandria, Peachy, Roslyn, Celine.

Send Me Email

Hour Record holder Chris BoardmanHour Record holder Chris BoardmanHour Record holder Chris Boardman