The Smashing Pumpkins Collage Smashing Pumpkins.Com
The Smashing Pumpkins HeartDisarm you with a smile and cut you like you want me to cut that little child inside of me and such a part of you.The Smashing Pumpkins HeartDisarm you with a smile and leave you like they left me here to wither in denial the bitterness of one who's left alone.The Smashing Pumpkins Heart

Wednesday, November 01, 2006



The Smashing PumpkinsThe Smashing PumpkinsThe Smashing PumpkinsThe Smashing PumpkinsThe Smashing Pumpkins

Pumpkin Whatever it is that you will see or hear or read from all the things presented in this site which does not conform with your principles in life or your personal beliefs even with your musical understanding, has nothing to do with the integrity of my spiritual direction. I'm just visiting the old days and I thought that maybe, you too were part of the musical beauty and wonders of the past, and that somehow from all of this, we'll find each other and connect the string which were once cut and partly forgotten because of all the years that passed and hoping you'll try to relate with the music and stuffs written here and in a way help you in remembering some old friends, families, faded loves, people, places and events. Enjoy your stay! Pumpkin

Let the dead bury their dead (Part 2).....

Cemetery

Kumusta Dear?


Marami ang nagkumustahan sa araw na ito. Mga buhay at mga patay. Masarap ang naging pagbibisikleta ko kanina papuntang Mcdo. Halos walang sasakyan. Solo ko ang daan. Maraming naglalakad papuntang sementeryo. Ang ilan ay may dalang mga bulaklak na ang pangalan ay respeto. Tulad ng sinabi ko sa Part 1, aanhin ng patay yun mga bulaklak? Aamuyin kaya nila yun at sasabihin, "Wow! Ang gaganda nito at hmmmm! Ang bango!" Sana noong buhay pa yun patay dun siya nirespeto. Mga bulaklak ang nasa puntod niya, pero nung buhay siya, sinisigaw-sigawan lang siya ng asawa niya o ng mga anak niya o ng pamilya niya na ang mga ito rin ang nag-aalay ng mga bulaklak sa kanyang puntod kapag dumarating ang araw na gaya ngayon. Nakakatawang kapaimbabawan at pakitang tao. Respeto daw sa mga patay. Mga patay na wala ng malay sa mundo ng mga buhay.

Narating ko ang Mcdo ng may galak sa puso. Galak dahil alam ko, na hindi na ako nakikipagsiksikan sa karamihan ng tao para lang magdala ng bulaklak sa patay. Galak dahil alam ko, na dati akong bulag subalit ngayon ay nakakakitang maliwanag. Lumipas ang maraming oras at balita na ang palabas. Maraming pinakitang ibat-ibang mukha ang araw ng patay. Mayroong nagsamantala, may basura, may nakatiwang-wang na, may nabubulok pa, may hindi naman mabulok-bulok, may naghambalang na, may nagliyab pa, may artista at nagsasaranggola, may pulitikong namumulitika pa at nagpapamigay ng supot na may laman na rosaryo, benditadong tubig, at larawan mismo ng pulitiko, may ipinananalangin din na sana ay maligtas yun patay. Ang alam ko, wala ng maidadagdag pa ni maibabawas man ang buhay sa isang namatay na. Kung ano ginawa nung patay ng siya ay nabubuhay pa, duon siya hahatulan maging mabuti man ito o masama. Wala ng magagawa ang panalangin sa isang patay. Ang buhay ay dapat manalangin hindi para sa patay kundi ipanalangin ng buhay ang kapwa buhay, na kung masamang tao ito, sana ay bumuti pa.

Sentemeryo:

Isang pari ang nagdarasal at nagbebendisyon ng isang puntod ng biglang may dumating na ale.

Ale: "Padre, hindi po iyan ang puntod ng asawa ko!"

Pari: "Ha! Akala ko ito! Saan ba naroon ang puntod ng asawa mo?"

Tumigil na ang pari sa kanyang ginagawa at kanilang pinuntahan ang puntod na sinasabi ng ale.

Isipin: Kung talagang may nagagawa ang panalangin at bendisyon sa patay, bakit tumigil ang pari, bakit hindi na lang isama sa kanyang pananalangin at pagbebendisyon ang lahat ng patay sa sementeryo na parang, "To whom it may concern?"

Kung susundan natin ang argumento ng ibang tao, na ang patay ay bumabalik pa, na kesyo nagmumulto daw, na sila'y may bahagi pa sa mundo ng mga buhay, hindi kaya naiinggit yun patay na hindi naipanalangin at hindi nabendisyunan ng pari, at sa inis ay puntahan ang mga nabubuhay pang kamag-anak at magpakuha ng pari na magbebendisyon at mananalangin para sa kanya? Pera-pera lang kasi yan eh! May bayad kasi ang bawat kilos ng pari. Ang buhay, alam niya na siya ay mamamatay. Pero ang patay, may alam ba? Kung nag-iisip lang sana ang mga tao.

Sa katapus-tapusan ng mga detalye at pangyayari sa mga balita tungkol sa mga patay, ang sabi ng isang reporter ay kapiling na daw ng mga patay ang Maykapal. Ang alam ko, kapiling na ng mga patay ang makapal.....

.....Ang makapal na lupa.

Send Me Email

Hour Record holder Chris BoardmanHour Record holder Chris BoardmanHour Record holder Chris Boardman