A room with a view.....
microdot sleeve: A room with a view is a Korean brand of stationery which I usually use in the old days when writing love letters and stuffs. And it comes in different colors like red, beige, black, blue, etc.
Paano na lang kaya sa susunod na eleksyon? Ngayon pa lang magulo na. May ambush, may sumabog na kotse ng Cong., sigawan ng mga Cong., banta sa buhay ng Cong., banta na rally ng Cong., Cha-Chang urong sulong na pilit sinasayaw ng mga Cong. Mga mukhang King Kong. Sa nagdaang mga araw, bukod sa mga pangyayari sa Bicol region, kung anu-ano ang nakita ng aking mga mata. Gaya ng titulo ng sulat na ito, parang nasa loob ako ng kwartong tinutukoy habang natatanaw sa bintana ang kaliwa't kanang nangyayari sa labas.
Minsan may lumapit, may lumapit sa amin ni sanpit, sampaguita ang kanyang tinda, isang batang gustong makauwi na. Naalala ko ang mga nagsigawang Congresista. Kung paanong yun poste sa may kanto, nakasandal sa kanya mga basura ng tao, ganun pa rin sa gobyerno, walang pagbabago. Kung paanong dun sa may lubak, maraming batang hubo't hubad na umiiyak at nakayapak, ganun pa rin sa gobyerno, walang pagbabago. "Ang tunay na mukha ng bayan mo," sabi nga ng isang kanta, maiiyak ka. Mga progress fairs at sweet conspiracies ng mga Pulitiko ang gigising ng umaga mo. Mga balitang kung minsan ay ayaw mo ng pakinggan. Maraming dapat gawin, maraming dapat tiisin. Lately, may mga nakipagkaibigan, sa dami nila, wala akong maalala, maliban sa isa, at siya'y si Katrina. Kung tawagin ng friends Quamie, studying psychology. Mula sa kwento ng kanyang mga alaala, naisulat ko ang ganitong istorya. Istorya ng mga munting alaala. Sa labas ng bintana, patuloy ang pakikipagbaka.
Sa Biyernes na darating PBK na namin. Masarap ang pakiramdam lalo't iyong alam na matapos mo itong makitang lahat, ika'y magpapasalamat.
Happy Pasalamat po sa lahat ng mga Kapatid!!
Minsan sa aking pag-iisa, narinig ko sa kabilang kwarto ang awiting ito na tungkol sa isang silid ng alaala, isang silid na puno ng sugat at halakhak, isang silid sa ating pagkatao na minsa'y naging marumi at ngayo'y nililinis..... Ang ating puso.
<< Back