Tsinelas 2009
Isang uri ng panyapak. Proteksyon sa paa. Itong darating na Abril 10, maraming tao ang maghuhubad ng kanilang tsinelas dahil sa paniniwalang maaalis kung hindi man lahat ay mababawasan ang kanilang mga kasalanan sa kanilang paglalakad ng nakayapak na wala naman sa biblia.
Susugatan din nila ang kanilang mga sarili, maglalakad ng malayo habang nakayapak na kung tawagin nila'y penitensya, pero babalik muli sila sa dati matapos ang lahat. Inuman, lasingan, sugal, babae, etc.
Taon-taon, maraming nagpapapako sa krus. Mayroon pa nga babae. Tama ba na sila'y magkristo-kristuhan? Papano kung babae? Krista? Pwede ba yun na kalahati ay ang Panginoong Hesukristo at ang kalahati ay judio? 50/50 kumbaga? Ang nakakalungkot, krus ang simbolo ng kanilang paniniwala, na krus din naman ang pinampatay sa Panginoong Hesukristo.
Pagpapako sa krus ang CAPITAL PUNISHMENT ng EMPERIO ROMANO noong panahon ng ating Panginoong Hesukristo. Gaya ngayon, na kung hindi tinanggal ang parusang bitay, SILYA ELEKTRIKA o kaya'y LETHAL INJECTION ang capital punishment ng Pilipinas. Papano na lang kung noong araw ay silya elektrika o lethal injection na ang capital punishment ng mga Romano? Lalabas, may silya o kaya syringe sa mga altar. Biro mo, ginawa kasing simbolo ng pananampalataya ang pinampatay sa Panginoong Hesukristo, na ito rin ang inilalagay sa mga altar na dinadalanginan at ginagamit sa iba't-ibang ritwal ng mga tao.
At sa darating ngang Abril 10, madaming tao ang susugatan ang sarili, magpapapalo, magpapapako. At kung silya elektrika o lethal injection nga ang capital punishment noong araw, eh di pagkatapos paluin at sugatan ng mga tao ang kanilang mga sarili sa pagpipinitensya, tuturukan sila ng syringe sa bandang huli bilang finale? O kaya, uupo sa upuang may kuryente?
Ang nakapagtataka pa, bakit ang "PASKO" na kapanganakan daw kuno ng Panginoong Hesukristo eh ipinagdiriwang ng Dec. 25 pero taon-taon, iba-iba ang araw na pinapatakan niyon, minsan Lunes, minsan Martes, minsan Sabado. Pero bakit ang kamatayan Niya, laging Byernes? Kung minsan pumapatak iyon sa buwan ng Abril(gaya ng darating), minsan naman buwan ng Marso?
Nakakalungkot isipin na maraming tao ang napaniwala ng mga maling paniniwala.
<< Back