Pahawak naman. No touch.....
Microdot Sleeve: Ang (Pahawak naman. No touch.....) ay maikling linya ng isang kanta noong dekada 70.
Noong kasagsagan ng nakakahawang sakit na SARS, taong 2003, ay nagkaroon ng kautusan ang mga simbahan na umiwas muna sa paghalik, paghipo, etc., sa mga santo o imahe. Kamakailan, dahil sa bagong sakit na kumakalat at nakakahawa, ang Influenza A(H1N1) virus, ipina-iiiwas munang muli ang mga tao sa paghipo, paghalik, etc., sa mga santo o imahe. Eh kung talagang utos ng Dios na humalik, dumalangin, etc., sa mga santo, bakit naman ipinapaiwas ang mga tao kahit na may sakit pang kumakalat at nakakahawa? Syempre, kung talagang may utos ang Dios na humalik sa santo at mga imahe, walang mangyayaring masama sa tao. Hindi mahahawa ang sino mang taong gagawa ng paghalik sa mga santo. Ang kaso, wala naman talagang utos ang Dios na ganoon, na humalik sa santo, dumalangin sa santo, etc. Kasuklamsuklam pa nga sa Dios ang gawaing ganoon (Deuteronomio 5:7-9).
Paano naman kaya isasagawa ang "banal na halik", na sinasabi sa Roma 16:16 at pangunahing ginagamit bilang pambati ng isang samahan, na ito daw ay beso-beso o shake hands lalo't ngayon na may H1N1 na nakakahawa? Ipapatigil din kaya nila ang kanilang beso-beso o shake hands? Kung ipapatigil nila, papaano kaya nila masusunod ang sinasabi sa talata? Noong araw, ang pambati daw nila ayon sa kanilang babasahin ay ang pangalan ng kanilang samahan, iyon daw kasi ang opisyal na pambati. Lately, beso-beso o shake hands na daw. Kahit pangalan o beso-beso, mali pareho. At kung mali daw ang beso-beso, ano daw ang tama, tanong ng isa nilang Ministro. Ha? Sila ang pangunahing gumagamit ng talatang Roma 16:16, nakadikit pa nga noon sa kanilang mga sasakyan ang sticker na Roma 16:16, tapos hindi pala nila alam ang kahulugan ng sinasabi sa talata na "magbatian ng banal na halik". Kaya hindi nakapagtataka, na halos wala ka ng makita na ganoong sticker sa kanilang mga sasakyan. Napalitan na ng banderang may tatlong kulay at kandelero. Kailangan talaga nila ng kandelero para sa kandila dahil nasa ka-Diliman sila.